Isa lang ang sa mga coaching staff ng Ateneo De Manila University Varsity team ang dumalo sa na-subpoena ng PNP-CIDG.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, tanging si Emmanuel Fernandez, University Athletic Director ng Ateneo De Manila ang tumugon sa subpoena na ipinadala ng CIDG.
Hindi nakarating sina coach Tab Baldwin at ang 3 pang coaching staff ng Ateneo Blue eagles varsity team.
Dagdag pa ni Remulla muli silang mag-iisyu ng subpoena sa darating na Biuyernes at kung hindi muli makakarating ang apat at mag-iisyu ang CIDG ng warrant for contempt laban kina Baldwin at 3 iba pa.
Nauna ng sinabi ni Remulla na ang subpoena ay magbigay linaw kung ano talaga ang nangyari sa pagkalunod ng mga players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isinagawang team building sa Aurora.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla , walang pag-arestong magaganap, walang kaso, ang gagawin lang ay kumuha ng mga salaysay sa pangyayari ng trahedya, kung paano sila pumunta, sino nag-order at ibibigay ang resulta kapag natapos na ang imbestigasyon.(End)
Ano ang magiging epekto ng muling subpoena na ipapalabas ng CIDG sa Biyernes? Mai Sakaling hindi dumalo maaring ma contempt on court si Tab Baldwin, ibig sabihin Amari siyang kasuhan sa korte, gayundin yung iba pang coaching staff Kailangang pumunta ni Tab at ng 3 pang coaching staff para magbigay ng sa totoong nangyari sa pagkalunod ng 2 players.
















