-- Advertisements --

Bumalik sa Top 10 ng Billboard Hot 100 chart ang kanta ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas”.

Nasa pang-limang puwesto na ito ngayon habang nanguna pa rin puwesto ang kanta ni Taylor Swift na “Anti-Hero”.

Kasama rin sa chart ang ilang mga Christmas song ay ang “Rockin’ Around the Christmas Tree” ni Brenda Lee na nasa number 6, “Jingle Bell Rock” ni Bobby Helms na nasa pang-siyam na puwesto at “A Holly Jolly Christmas” ni Burl Ives na nasa pang-10 puwesto.

Si Carey ang mayroong record ng may maraming numerong 1 na kanta sa Billboard Hot 100 na mayroong kabuuang 19.