-- Advertisements --
image 142

Malabong mangyari ang inaasam na ceasefire o tigil putukan sa darating na Pasko sa Ukraine halos 10 buwan na mula ng sumiklab ang giyera.

Ito ay sa kabila pa ng dose-dosenang napalayang mga bilanggo sa pamamagitan ng prison swaps sa mga nakalipas na linggo kabilang na ang isang American national.

Sa kasalukuyan kasi walang peace talks sa pagitan ng Russia at Ukraine upang mawaksan ang kaguluhan na nagresulta sa pagkasawi ng libu-libong katao, milyon-milyon ang nadisplace at napinsalang mga imprastruktura sa pagsalakay ng Russia mula noong Pebrero 24.

Una ng sinabi ni Ukraine President Volodomyr Zelensky kamakailan na dapat umatras na ang Russia pagsapit ng pasko bilang hakbang para matapos na ang gi