Nag-plead ng “not guilty” ang Amerikanong mang-aawit na si Chris Brown sa kasong tangkang pananakit umano gamit ang bote sa isang music producer sa isang nightclub sa London noong 2023.
Inakusahan si Brown, 36, ng “unprovoked attack” kay Abraham Diaw gamit ang bote ng tequila. Humarap siya sa Southwark Crown Court kasama ang kapwa akusado na si Omolulu Akinlolu, 38, na tumanggi rin sa paratang.
Parehong pinalaya sa piyansa ang dalawa at nakatakdang bumalik sa korte sa Hulyo 11 para sa posibleng pagharap sa mas magaan na kasong “actual bodily harm.”
Nabatid na may isa pang kaso si Brown kaugnay sa pagkakaroon umano ng delekadong armas, ngunit hindi pa siya pinapasagot ukol dito.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa Oktubre 26, 2026.
Magugunitang si Chris Brown, na ng dalawang Grammy Awards, ay naaresto sa Manchester noong nakaraang buwan matapos bumalik sa UK para sa kanyang “Breezy Bowl XX” tour at nagpiyansa para sa kanyang kalayaan ng £5 million.