VIGAN CITY – Ngayon pa lang ay dumepensa na ang Commission on Human Rights (CHR) laban sa posibilidad na kumalas ang Pilipinas bilang miyembro ng United Nations (UN).
Ito’y kasunod ng gagawing imbestigasyon ng UN sa human right cases at war on drugs campaign ng gobyerno.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia na hindi nagkulang ang komisyon sa pagpapaalala sa pamahalaan ng mga kasunduan pinasok nito sa ibang estado.
Ayon sa opisyal, malaki ang magiging epekto sa bansa kapag natuloy ang plano ng mga opisyal, lalo na’t kumalas na rin ang Pilipinas kamakailan sa International Criminal Court.
Aminado si De Guia na nasa kamay pa rin ng administrasyon ang desisyon sa pagiging miyembro ng estado sa UN.
Sa ngayon umaasa ang CHR na makikipagtulungan ang pamahalaan sa pagsusuring gagawin ng mga dayuhan sa sitwasyon ng human rights sa bansa