-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring ambush sa Magsaysay, Occidental Mindoro noong Biyernes ng umaga, kung saan tatlong pulis ang namatay at pitong iba pa ang sugatan.

Kasabay nito ay mariing kinukondena ng CHR ang nasabing karahasan, sapagkat kailanman ay hindi sapat na katiwaran ang paniniwala para gumamit ng dahas at lumabag sa karapatang mabuhay.

Nabatid na kasama ang mga pulis sa Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict Serbisyo Caravan nang atakihin sila ng mga members ng New People’s Army (NPA).

Ang mga pulis na ito ay moyembro ng 1st Occidental Mindoro Police Mobile Force Company.

Sila ay bahagi ng security convoy ni Gov. Eduardo Gadiano, na dumaan sa isang bundok sa bayan ng San Jose nang sila at atakihin.