-- Advertisements --

Itinanggi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na kaniyang sinisisi ang kaniyang mga manlalaro tuwing sila ay natatalo.

Reaksyon ito ni Reyes sa naging pahayag ni Cambodian coach Harry Savaya noong unang talunin sila sa katatapos na Southeast Asian Games.

Sinabi ni Savaya na maraming mga palusot umano si Reyes gaya ng pagsisi sa mga manlalaro nito.

Ayon kay Reyes na mula pa noong simula ay hindi niya ugali na manisi sa tuwing nabibigo sila sa mga laro.