-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Aminado ang City Health Office na nahihirapan silang hikayatin ang mga mamamayan sa Santiago City na magpabakuna ng booster shot kontra COVID-19 dahil sa paniwalang sapat na ang first dose at second dose na kanilang natanggap.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer ng Santiago City ibinahagi nito na tila tumatanggi na ang ilang mamamayan sa lungsod na magpaturok ng booster shot kontra COVID-19 dahil sa paniniwalang sapat na umano ang dalawang bakuna para makaiwas sa nasabing sakit

Ayon kay Dr. Manalo, mahalaga ang pagpapabakuna dahil mayroon pa ring nasasawi dahil sa virus.

Ang nasawi ay isang 36 anyos na ginang sa Barangay Rosario na kinapitan ng virus na kalaunan ay natuklasang mayroong comorbidity at hindi nabakunahan .

Nagtutungo pa rin ang mga kawani ng CHO sa mga Brgy. upang magsagawa ng vaccination.