-- Advertisements --
Dumating sa Hong Kong si Chinese President Xi Jinping.
Ito ay para dumalo sa ika-25 anibersaryo ng pagpapasakamay ng Britanya sa China ang Hong Kong.
Ang nasabing pagbiyahe ng Chinese president ay siyang unang beses na paglabas nito sa China ng mahigit dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Lulan ng high-speed train kung saan siya ay sinalubong ng mga mag-aaral na may hawak na mga bulaklak at bandila ng China at Hong Kong.
Naging mahigpit ang seguridad sa convention center kung saan ginanap ang programa at nagpatupad sila ng mga no-fly zone.
Nakasalamuha nito si outgoing Hong Kong chief executive Carrie Lam at incoming John Lee.
Inaasahan din sasaksihan ng Xi ang pagpapalit ng pamumuno ng bagong lider ng Hong Kong.










