Pansamantala munang tatanggalin ang ipinatupad na lockdown ng Chinese government sa Wuhan City kung saan nagsimula ang coronavirus outbreak.
Tatanggalin naman ang travel restiction sa Hubei province simula alas-dose ng madaling araw sa Martes.
Kasunod ito nang pagpapatupad ng lockdown ng mga karatig bansa dahil sa banta ng COVID-19.
Isinara ang buong syudad ng Wuhan simula noong Enero ngunit ayon sa mga health officials ay papayagan nilang lumabas ng Wuhan ang sinomang mayroong “green” code na ginagamit sa pamamagitan ng isang smartphone app.
Kamakailan lamang ay kinumpirma ng mga health officials sa China na hindi nila binibilang ang kaso ng mga taong nagpositibo sa virus.
Gayunman, binibilang lamang nila ang mga pasyente na naka-admit sa mga ospital o hindi nagpapakita ng kahit anong sintomas ng sakit.
Ayon sa Chinese government, mayroong 80 bagong kaso ng coronavirus sa mainland China sa loob ng isang araw.
Karamihan umano sa mga ito ay dahil sa mga infected travellers na nagmula sa ibang bansa.