-- Advertisements --
Nagsagawa ang Chinese military ng routine patrols sa West Philippine Sea.
Ayon sa Chinese People’s Liberation Army Southern Theatre Command na layon ng pagpatrolya ay bilang paghahanda sa pagprotekta ng kanilang seguridad at maritime rights and interest.
Una rito ay nagsagawa rin sa parehas na araw ang US at navy ng Pilipinas ng pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Magugunitang ipinipilit ng China na kanilang pag-aari pa rin ang West Philippine Sea.