-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga kapulisan sa China sa pagkasawi ng Chinese billionaire gaming tycoon.
Matapos kasi na ilabas ng Yoozoo company na ang kanilang founder at chairman na si Lin Qi ay pumanaw na.
Nakakulong na ang mga katrabaho ng 39-anyos dahil sa posibleng ito ay nilason.
Dalawang araw kasi bago ang kaniyang pagkasawi ay naglabas ng pahayag ang kumpanya at sinabing ito ay dinala sa pagamutan matapos na makadama ng hindi maganda.
Ang kumpanya kasi ni Lin ay siyang nangungunang mobile game publishers na mayroong $1 billion na kita.
Itinaguyod ang kumpanya noong 2009 at nakilala ang nasabing kumpanya sa role-playing game na “Games of Throne: Winter si Coming”.