Umabot na rin ng hanggang Canada ang novela coronavirus, na siyang naging sanhi nang pagkamatay ng 54 katao.

Ayon sa Toronto Public Health, nakatanggap sila ng impormasyon patungkol sa pinaka-unang presumptive confirmed case ng coronavirus sa kanilang bansa.

Ito ay isang residente na kakabalik lamang mula sa Wuhan, China.

Sa isang statement, sinabi ng Toronto Public Health na stable na ang kondisyon ng naturang indibidwal at kasalukuyang nananatili pa rin sa ospital. (Reuters)