-- Advertisements --

Tiniyak ng China na sila gaganti sakaling matuloy ang pakikipagpulong ni Taiwan President Tsai Ing-wen at US House Speaker Kevin McCarthy.

Nagtungo kasi ang Taiwan President sa US at siya ay didiretso rin sa Guatemala at Belize.

Patuloy pa rin kasi na itinuturing ng China na bahagi ng kanilang bansa ang Taiwan.

Una ng nagtungo sa Honduras si Tsai para mas lalong paigtingin ang ugnayan nila sa ibang mga bansa.