Sinsubukan ng China na baliktarin ang ruling ng isang arbitral court na nagsasabi na ang Pilipinas ang may exclusive economic rights sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan nang pagpapadala ng ilang daang mga barko sa lugar, ayon kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Sinabi ni Caprio na sinusubukan ng Beijing na buhayin ang kanilang argumento at baguhin ang desisyon ng United National Convention on the Law of the Sea sa pamamagitan nang paggiit sa kanilang umano’y traditional fishing rights sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Iginiit ni Carpio na sa arbitral award sa ilalim ng UNCLOS, walang traditional fishging sa EEZ dahil ito ay para lamang sa territorial sea at archipelagic waters.
Ang West Philippine Sea aniya ay hindi archipelagic waters o maging territorial waters.
Noong Martes, sinabi ng National Task Force for the West Philippine Sea na nasa 240 Chinese vessels ang namataan sa iba’t ibang bahagi ng WPS.
Nakasaad sa naturang report na 136 sa kabuuang bilang ng mga nakakalat na Chinese maritime vessels ay namataan sa Burgos Reef.
Ayon kay Carpio, ang pagpapadala ng ganito karaming mga barko sa gitna ng pandemya ay nagpapakita lamang na hindi sinasayang ng China ang anumang pagkakataon na mayroon sila.









