-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagpapalawak ng China ng kanilang nuclear missiles capability.

Ito ay matapos na ilabas ng Federaton of American Scientists (FAS) ang mga larawan mula sa Xinjiang province.

Dahil dito ay nagpahayag ng pangamba ang mga opisyal ng US Defense department.

Ito na rin aniya ang pangalawang ginagawang pagpapalawak ng mga missile arms ng China.

Dagdag pa ng FAS na bago pa lamang ang nasabing pinapagawa ng China sa nasabing Hami bukod pa sa mga lumang nuclear site nito sa ibang mga lugar.