-- Advertisements --

Inanunsiyo ng China na papatawan nito ng sanctions si US House Speaker Nancy Pelosi kasama ang kaniyang immediate family dahil sa mapanira at provocative na aksiyon sa pagbisita nito sa Taiwan.

Kasabay nito ang pinaigting na pagsasagawa ng military drills at warplane incursions ng China sa palibot ng isla.

Kinondena din ng foreign ministry ng China ang pagpunta ng US official sa Taiwan.

Giit pa ng Chinese Foreign Affairs Ministry na ipinagpilitan ni Pelosi na bumisita sa Taiwan sa kabila ng mariing pagtutol ng China na inilarawan bilang seryosong pangingialam sa kanilang internal affairs at pagyurak daw sa soberanya at territorial integrity ng China.

Gayundin daw paglabag sa One-China principle na seryosong banta sa kapayapaan at stability sa Taiwan Strait.