-- Advertisements --
covid Omicron XE

Tiwala ang bansang China na hindi magkakaroon ng second wave ng Coronavirus disease 2019 sa naturang bansa kahit naitala ang nasa halos 13,000 na namatay sa virus sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon kay Wu Zunyou, chief epidemiologist ng China Center for Disease Control and Prevention, ito ay dahil nasa 80 percent daw ng populasyon ng China ang nadapuan na ng nakamamatay na sakit.

Una rito, sa data mula Enero 13 hanggang 19 ay lumalabas na nasa halos 13,000 ang bilang ng mga namatay na pasyente sa mga ospital.

Ang death toll ay kasunod na rin ng halos 60,000 na namatay dahil sa virus sa mga ospital sa loob lamang ng mahigit isang buwan.

Sinabi ng China Center for Disease Control and Prevention (CDC) sa isang statement noong Sabado na mayroong 681 na pasyente ang naospital at namatay dahil sa respiratory failure na dulot ng coronavirus infection at 11,977 ang namatay sa naturang virus na mayroong ibang sakit.

Hindi rin daw kasali rito ang mga namatay sa kanilang mga bahay.

Ayon naman sa Airfinity na isang independent forecasting firm, ang kanilang pagtaya sa namamatay ng COVID-19 sa China ay magpi-peak sa 36,000 pagkatapos ng Lunar New Year holiday.

Kasama pa sa pagtaya ng firm ang mahigit 600,000 na kataong namatay sa virus dahil tinanggal na ng China ang zero-COVID policy noong buwan ng Disyembre.

Noong Miyerkules, nang nagpayag si President Xi Jinping ng concern concerns kaugnay ng pagkalat ng naturang virus sa rural China dahil sa kakulangan ng mga medical resources.

Kung maalala, ang mga residente ng Wuhan sa central China ang nagkaroon ng kauna-unahang coronavirus infections na naitala noong 2019.