-- Advertisements --

Nagpaputok umano ng flares ang puwersa ng China laban sa aircraft ng Philippine Coast Guard (PCG) habang nagsasagawa ito ng maritime patrol sa Kalayaan Island Group noong Abril 9, kasabay ng Araw ng Kagitingan.

Ayon sa PCG, isa na naman itong insidente ng harassment ng China sa West Philippine Sea, sa kabila ng desisyon ng United Nations tribunal noong 2016 na pumapabor sa Pilipinas at kumukwestyon sa lawak ng claim ng Beijing.

Inilarawan ni Rear Admiral Jay Tarriela ang pangyayari bilang “deliberate at mapanganib,” dahil direktang nalagay sa panganib ang buhay ng mga sakay ng unarmed aircraft.

Nangyari ang insidente sa Panganiban Reef at Zamora Reef, kung saan nagpadala rin umano ng radio messages ang China at muling iginiit ang kanilang “indisputable sovereignty” sa lugar, isang pahayag na ayon sa PCG ay walang batayan sa international law. (report by Bombo Jai)