-- Advertisements --

Nakuha ng China ang kanilang kauna-unahang FIBA Women’s Asia Cup matapos talunin ang five-time defending champion na Japan 73-71 na ginanap sa Australia.

Ito na ang kanilang kauna-unahang pagkakataon na makuha ang titulo mula pa noong 2012.

Hawak pa ng Japan ang kalamangan sa pagpasok ng last quarter hanggang hindi bumitiw ang China sa huling minuto ng laro.

Nanguna sa panalo ng China ang kanilang center na si Xu Han na mayroong 26 points at 10 rebound.

Magugunitang naging silver medalist ang China sa women’s basketball World Cup na Sydney, Australia.