-- Advertisements --

HONG KONG – Magpapatupad na ng curfew ang China para mapigilan ang pagdami ng mga nalululong sa video games.

Partikular na target ng bagong kautusan ang mga minor de edad na maagang nagiging gaming addicts.

Sa nasabing direktiba, ang mga may gulang na 18 taon pababa ay hindi na papayagang maglaro pagsapit ng ala-10:00 ng gabi hanggang alas-8:00 ng umaga.

Kapag weekdays, ang mga minor de edad ay maaari lamang gumamit ng games sa loob ng 90 minuto, habang tatlong oras naman silang papayagan kapag weekends at public holidays.

Dagdag pa sa guidelines, maaari lamang gumastos ang isang minor ng hanggang 200 yuan ($29) kada buwan, habang ang may edad na 16 hanggang 18 ay maaaring maglagay ng 400 yuan ($57) online gaming accounts. (Xinhua)