Mariing pinabulaanan ng China ang mga alegasyong sinisira umano nila ang mga malaking bahagi ng mga bahura sa West Philippine Sea.
Ayon sa Chinese Embassy in the Philippines, pawang mga fake reports lamang aniya ang mga alegasyong ito na ipinupukol ng Amerika laban sa kanilang bansa.
Kasabay nito ay binigyang-diin din ng naturang embahada na patuloy na pinahahalagahan ng china ang pagpo-protekta sa ecological environment sa WPS, at patuloy din aniya ang ginagawang environmental protection at monitoring ng ahensya upang tiyakin na nasusunod ang domestic at international law.
Nabatid na ito ang reaksyong binigyang-diin ng China kasunod ng ulat ng isang US think tank na batay daw sa kanilang pag-aaral ay nasa halos 21,000 acres ng mga bahura sa WPS ang sinira ng mga barko ng nasabing bansa.
Mula sa naturang bilang, sinabi ng naturang think tank na tinatayang aabot sa 4,500 acres ang mga cora reefs na nasira nang dahil sa mga itinatayong artificial islands ng China, habang nasa 16,3000 acres naman ang mga bahura na nasira nang dahil sa pangunguha umano ng mga Chinese fishermen ng giant clams. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)