-- Advertisements --
Itinigil ng China ang pagbibigay ng short-term visas sa mga mamamayan ng South Korea at Japan.
Ang nasabing hakbang ay bilang ganti sa ipinatupad na paghihigpit ng nasabing mga bansa sa mga Chinese travelers.
Noong nakaraang linggo kasi ay inihinto ng South Korea ang pagbibigay ng tourist visas sa mga mangagaling ng China kung saan tinawag ng Chinese foreign ministry na isang hindi katanggap-tanggap at unscientific.
Habang ang Japan ay pinapayagan ang mga Chinese travelers basta magpakita ang mga ito ng negative COVID-19 test results.
Paliwanag ng China na kanila lamang tatanggalin ang nasabing kautusan kapag tanggalin na rin ng mga bansa ang ipinapatupad na restrictions.