-- Advertisements --

Itinaboy ng militar ng China ang barkong pandigma ng US na iligal umanong pumasok sa karagatan sakop ng China.

USS benfold vessel

Isinagawa ito kasabay ng ika-limang taong anibersaryo ng international court ruling o arbitral ruling na nagsasabing walang karapatan ang China sa West Philippine Sea.

Ayon sa People’s Liberation Army, naitinaboy nila ang USS Benfold dahil sa walang paalam ito sa kanila na makapasok.

Nanawagan sila sa US na dapat ihinto na nito ang anumang hakbang na magdudulot ng kaguluhan sa pagitan nila.