Ipinagdiriwang ngayong araw ng bansang China ang ika-100 founding anniversary ng Communist Party sa Tiananmen Square kung saan nagtipon-tipon ang napakaraming participants.
Nakasentro ang selebrasyon sa pagbubuklod ng kasaysayan ng Communist party at ng China.
Mayroong mga military jets, cannon salutes at patriotic songs bilang bahagi ng selebrasyon ang isinagawa nitong araw.
Una nang nagsagawa ng isang art performance na tinawag na The Great Journey sa Beijing kung saan idinetalye ang kasaysayan ng Communist party at ng China gayundin kung papaano nasugpo ng bansa ang COVID-19.
Subalit sa ulat ng ilang mahahalagang kabanata ng kasaysayan ang hindi napasama sa propaganda drive kabilang dito ang Cultural Revolution purges, 1989 Tiananmen Square protests at pro-democracy protests sa Hong Kong.
Taong 1921 nang itinatag ang Chinese Communist Party (CCP) 72 taon ang nakalilipas matapos ang makasaysayang civil war.










