-- Advertisements --

MONTREAL, Canada — Inaresto ng China ang isa pang Canadian citizen sa gitna ng hindi magandang relasyon ng dalawang bansa.

Ayon sa foreign ministry ng Canada, hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang dahilan nang pagkakabilanggo ng naturang Canadian Citizen sa Yantai, China.

Nagbibigay na raw sa ngayon ng consular assistance ang mga Canadian officials pero wala pang maibibigay na karagdagang detalye hinggil dito dahil na rin sa mga privacy laws.

Ang pagkakakulong sa naturang Canadian citizen ay kasunod nang pagkakabilanggo naman ng dalawang iba pa nitong taon matapos na napunta sa kustodiya ng Vancouver si Meng Wanzhou, ang chief financial officer ng Chinese tech giant na Huawei, dahil sa warrant mula sa Estados Unidos.

Pero ayon sa isang source na pamilya sa pag-aresto kamakailan ng China sa isang Canadian citizen, wala umano itong indikasyon na may kaugnayan ito sa kaso nina Michael Kovrig, isang dating diplomat, at Michael Spavor, na isa namang consultant.

Ang dalawang ito ay nahaharap sa kasong espionage na ayon sa Ottawa ay maituturing na “arbitrary” at naging mitsa ng mga katanungan kung ang alegasyon sa mga ito ay ganti sa pag-aresto na ginawa ng Canada kay Wanzhou. (Agence France-Presse)