-- Advertisements --
Hinigpitan na ng China ang paglalaro ng mga nasa edad 18 pababa ng mga online games.
Ang nasabing ay hakbang ay panibagong paghihigpit na ipinatupad ng China para maiwasan ang pagkalulong ng mga bata sa mga online games.
Papayagan lamang ang mga minors na maglaro ng isang oras mula alas-8 p.m. hanggang 9 p.m. sa Biyernes, weekends at public holidays.
Noon pang 2019 ng ipinanukala ito kung saan papayagan lamang silang maglaor ng hanggang 90 minuto sa weekday habang tatlong oras sa weekends.










