Nakahanda ang China na ganap na makipagtulungan sa Pilipinas para harapin ang illegal offshore gambling sa Pilipinas.
Ayon sa Chinese Embassy, una nang tinulungan ng China ang Maynila na isara ang tatlong illegal gambling zone at pinauwi ang halos 400 Chinese citizen.
Ito ay habang hinihimok din ang Pilipinas na gumawa ng matitinding hakbang upang masugpo ang mga naturang aktibidad.
Ang mga krimen na dulot ng online gambling ay nakakapinsala hindi lamang sa interes ng China at sa relasyon ng China-Philippines, kundi pati na rin sa interes ng Pilipinas.
Ayon sa embahada, handa ang China na higit na makipagtulungan sa Pilipinas sa pagharap sa mga ganitong sitwasyon upang matiyak na maipapatupad ang mga batas at mabigyan ng hustisya.
Samantala, nananawagan ang China sa Pilipinas na gumawa ng matibay na hakbang upang masugpo ang mga krimen na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators.
Giit ng embahada na anumang uri ng pagsusugal, kabilang ang online gambling sa ibang mga bansa ng mga mamamayang Tsino, ay ilegal sa ilalim ng mga batas ng China.