-- Advertisements --

Nagbabala ang Pangulo ng China na si Xi Jinping na hindi siya papayag na e-bully o impluwensiyahan ang kaniyang bansa sa mga makapangyarihang dayuhan.

Nagbahagi rin siya ng isang mapanirang salita sa isang kaganapan na nagmamarka ng ika-daang siglo ng naghaharing Communist Party.

Sinabi din nito na hindi papayagan ng Beijing ang mga “banal na pangangaral” lalo na sa mga nakadirekta sa Estados Unidos.

Ginawa ito ng China dahil nahaharap sila sa mga pagpuna tungkol sa sinasabing pag-aabuso sa karapatang pantao at ang nangyaring crackdown sa Hong Kong.

Ang mga ugnayan sa pagitan ng US at Tsina ay lumala nitong mga nakaraan dahil sa kalakal, paniniktik at pandemya.

Ang isyu ng Taiwan ay isa ring pangunahing nagdulot ng tension.

Nagbabala ang pangulo na walang sinuman ang may karapatan na maliitin ang resolusyon, ang kalooban at kakayahan ng mga Tsino dahil may kakayahan silang ipagtanggol ang kanilang pambansang soberanya at integridad ng teritoryo.

Ipinagdiriwang ang 100th anniversary celebrations ng Communist Party sa pamamagitan ng military jet fly-pasts, pagbagsak ng mga kanyon at mga makabayang kanta. (with reports from Bombo Jane Buna)