-- Advertisements --
image 105

Nanawagan si Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez sa China na paalisin na ang kanilang mga militia vessel na nasa loob ng 200 nautical mile Excusive Economic Zone(EEZ) ng Pilipinas.

Ginawa ng kongresista ang nasabing panawagan kasabay ng pag-alis ng Chinese resesearch vessel at iba nitong escort vessel mula sa EEZ ng Vietnam.

Ayon sa mambabatas, kung nilisan ng mga chinese militia vessel ang karagatang sakop ng Vietnam, mainam na lisanin na rin ng mga ito ang karagatang sakop ng Pilipinas, dahil sa walang karapatan ang isang bansa na panghimasukan ang EEZ ng ibang mga bansa.

Pagdidiin ni Rodriguez na pag-aari ng Pilipinas ang mga isla na nasa EEZ ng Pilipinas, at walang karapatan ang mga chinese vessels na manatili sa mga nasabing lugar.

Inihalimbaawa nito ang Julian Felipe Reef at Ayungin Shoal na aniya’y pasok sa 200 nautical miles EEZ ng Pilipinas at mahigit isandaang milya lamang ang layo nito sa probinsya ng Palawan.

Kumpara sa China aniya, mahigit pa sa 800 milya ang layo ng mga nasabing isla mula sa pinakamalapit na isla ng nasabing bansa.