-- Advertisements --

Binalaan ng China ang United Kingdom na huwag magbigay ng citizenship sa mga Hong Kong residents.

Ayon sa Foreign Ministry ng China na dapat ituwid ng Britanya ang kanilang naunang pahayag.

Nauna ng nag-alok ang UK ng citizenship sa mga Hong Kong resident matapos na ipatupad ang national security law na nagdulot ng malawakang kilos protesta.

Iginiit ng China na dapat hindi makialam ang UK sa domestic issue nila ng Hong Kong.