-- Advertisements --
image 266

Kapwa nagpahayag ng mas matinding suporta ang mga bansang China at Russia sa North Korea kasabay ng pagdiriwang ng ika-75th anniversary nito.

Ito ang binigyang-diin nina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping sa kanilang ipinaabot na mensahe kay N. Korean leader Kim Jong Un.

Ayon sa mensahe ni Xi Jinping, suportado nito ang bansa at gusto pa nitong lalong tumibay ang ugnayan sa North Korea.

Si Vladimir Putin naman nagpahayag na paiigtingin ang bilateral ties para mapasiguro ang seguridad ng dalawang bansa.

Ang Democratic People’s Republic of Korea na official name ng North Korea ay itinatag noong September 9, 1948 na suportado ng Soviet Union, Russia’s predecessor State.