-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot sa Php200,000.00 ang natangay sa isang chicken vendor matapos masalisihan sa kanyang puwesto sa pamilihanh bayan ng San Mateo, Isabela.

Hindi namalayan ni Ginang Joy Perlas na mayroong tumangay sa kanyang bag na naglalaman ng pera dahil abala siya sa pagtitinda kaninang umaga.

Sa paanayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng kalapit puwesto ng biktima na si Ginang Milen Alcantara na mayroong bumibili sa puwesto ni Ginang Perlas kaninang alas siyete ng umaga at ang kanyang bag na naglalaman ng pera ay nakalapag sa bandang likuran ng biktima.
Inihayag ni Ginang Alcantara, isa ring tindera na mayroong dalawang babae na bumibili kay Ginang Perlas.

Ang isang babaeng pinaghihinalaan ay bumili din sa kanya ng 1/4 kilo ng pusit at 1/4 kilo din na manok.

Mabilisan lamang ang pagkilos ng dalawang babae at kaagad na umalis matapos at ilang minuto lang nang mapansin ng biktima na nawawala na ang kanyang bag na agad nag-ulat sa San Mateo Police Station.

Sa isinagawang pag-review sa CCTV ay nakitang mayroong din isang lalaking nagpalit kaagad ng damit na siya nilang sinusundang gabay.

Samantala, ang perang dala ni Ginang Perlas ay ibabangko sana niya ngayong araw..

Nagpaalalang muli ang PNP San Mateo sa mga mamamayan at negosyante sa palengke na maging maingat sa kanilang pera at mga napamil