-- Advertisements --

Nakaranas ng ‘total blackout’ ang Chernihiv City sa Ukraine matapos ang malawakang air-strike ng Russia.

Apektado ang ilang daang residente ng lugar matapos ang missiles at drones strikes ng Russia.

Sinasabing apat na katao rin ang nasawi at maging ang kalapit na bayan na Novhorod-Siverskyi ay nadamay.

Ito na ang sinasabing matinding napinsala sa pinakahuling pag-atake ng Russia.

Dahil dito ay patuloy ang panawagan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa kaalyadong bansa na bilisan ang pagbibigay armas para masabayan ang Russia.

Umaabot na rin sa $16-bilyon ang kabuuang damyos sa energy infrastructure ng Ukraine mula ng sumiklab ang pag-atake ng Russia.