-- Advertisements --

Isinisi ng isang opisyal mula Professional Regulation Commission (PRC) sa mahigpit na admission rules ng mga aspiring teachers ang dahilan kung bakit mababa ang passing rate sa mga education graduates na kumuha ng Licensure Examination for Teachers (LET) sa Pilipinas.

Sa pagtatanong ni Senator Sherwin Gatchalian sa isinagawang Senate committee on basic education hearing on quality of teacher education and training kahapon, nagtataka raw ito na bakit average ng 30% at 48% lamang ng elementary at secondary education graduates ang LET passers sa nagdaang taon.

Sinabi ni PRC Board for Professional Teachers chairperson Dr. Rosita Navarro na ito raw ang resulta ng open enrollment. Dahil aniya walang selective enrollment sa naturang kurso ay wala ring selective retention.

Nakikita ring dahilan dito ni Navarro na dahil ito ang demand ng kanilang mga magulang, komunidad at kailangan ng eskwelahan ay basta na lamang pumapasa ang mga ito sa kanilang mga subjects.

Karamihan din daw ng mga unibersidad at kolehiyo sa bansa ay may mandato ng high school average para makapasok sa mga courses tulad ng engineering, science at arts, pero walang ganitong patakaran upang makakuha ng education course.

Dagdag pa nito na wala ring selective retention ang mga education students kung kaya’t hindi nasasala ng mabuti kung sino nga ba ang karapat-dapat magpatuloy sa programa hanggang graduating year.

Dahil dito ay nako-compromise ang performance results ng LET.

Hindi naman sumang-ayon dito si Commission on Higher Education chairperson Prospero De Vera III.

Paliwanag ni De Vera, hindi ito klatanggap-tanggap sa parte ng CHED dahil inaasan umano nila na bawat estudyanteng makakapasok sa higher education institution ay hindi na mag-iimprove sa loob ng apat na taong sumailalim ang mga ito sa training program.