-- Advertisements --
image 316

Pinaplano ng Commission on Higher Education (CHED) na mabigyan ng scholarships ang mga nurse na nais na i-pursue ang master’s degree in nursing upang mapunan ang mga bakanteng teaching positions sa naturang industriya.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera na ang kanilang hybrid master’s program ay magiging mas maikli.

Matatandaan, una ng ikinalungkot ni De Vera ang kakulangan ng kwalipikadong nursing teachers dahil kailangan pa ng mga ito na kumuha ng master’s degree para makapagturo.

Kung kayat ilulunsad aniya nila ito kaakibat ang scholarship mula sa CHED.

May nakahanda naman aniyang mga pondo ang CHED para sa mga posibleng scholars upang maging nurse instructors.

Maliban dito ayon kay De Vera ay nakikipag-ugnayan na rin ang kaniyang opisina sa Philippine Nursing schools sa ibang top nursing educational institutions sa ibang bansa upang maging international ang curriculum ng bansa.

Ipinunto pa ng De Vera na target ng CHED na makapagproduce ng world class nurses na kayang makapag-praktis ng kanilang propesyon saan mang bansa nila naisin.

Una ng binanggit ng opisyal ang pakikipagpartnership ng bansa sa Canadian institutions kamakailan para sa scholarship program.