Nagpahayag ng interes ang Commission on Higher Education (CHED) na busisiin ang pagiging epektibo ng K-12 program sa bansa.
Ginawa ni CHED Chairman Prospero de Vera ang naturang pahayag ng tanungin hinggil sa posisyon nito sa isinusulong na pagbuwag sa K-12 system.
Paliwanag ng opisyal na ipinatupad ang K-12 program bago pa man ang Duterte administration. Kailangan aniya na makita ang mga data mula sa ground at ihanay ito sa policy objectives ng batas at saka aniya gagawa ng desisyon hinggil sa naturang uspain.
Ayon kay De Vera , ang K-12 program sa Pilipinas ay naiiba dahil layon nito na makapag-produce pareho ng mga employable at university-ready graduates sa loob ng dalawang taon.
Aniya, ang pinakalayunin ng K-12 ay para maihanda ang mga estudyante para sa university education upang sa oras na tumuntong ang mga ito sa kolehiyo, major subject na dapat ang kanilang kinukuha.
Subalit ang K-12 program aniya sa Pilipinas ay naiiba dahil kapag nakapagtapos ng K-12 ang mga estudyante maaari na rin ang mga itong makapagtrabaho at kumita.
Lumutag ang usapin hinggil sa pagbuwag sa K-12 education system kasabay ng nallapit na pagpapalit ng bagong adminsitrasyon sa Hunyo 30.
Nauna ng inihayag ni VP-elect Sara Duterte-Carpio, na itinalagang susunodnna kalihim ng DepEd na hindi agad-agad na mapagdedesisyunan ang naturang usapin.
Subalit nagbigay na aniya si President-elect Ferdinand Marcos Jr ng direktiba na i-review ang implementasyon ng naturang programa.