-- Advertisements --
christina frasco

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) na ibinalik na ang chartered flights mula China patungong Kalibo International Airport sa Aklan, ang gateway sa tanyag na tourist destination na isla ng Boracay.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, nangangahulugan ito na nananatiling popular na destinasyon para sa mga turistang Chinese ang Boracay.

Iniulat pa ng DOT na nasa kabuuang 180 turistang Chinese lulan ng chartered flights mula sa Changsha, China patungong Kalibo, Aklan ang naitala noong Abril 18 ng kasalukuyang taon.

Ito ng kauna-unahang chartered flight mula sa China simula ng muling buksan para sa international travel noong Enero 8.

Ayon pa sa DOT na ang China ang top source ng foreign tourists noong 2019 na nasa 434,175 noong taong 2019.

Ipinagpatuloy na rin ng lahat ng Philippine Foreign Service Posts China ang pagproseso at issuance ng Philippine visas para sa Chinese tour groups simula noong Abril 11.

Umaasa din ang ahensiya na sa pamamagitan ng interventions gaya ng pagpapatupad ng electronic visa system na makatulong para mapabilis ang pagpasok sa bansa ng mga turista.