-- Advertisements --

Minultahan ng aabot sa $20,000 ang electric DJ na Chainsmoker dahil sa iligal na pagsasagawa umano ng concert sa Hampton, New York.

Sinabi ni Governor Andrew Cuomo, na ang nasabing multa ay base na rin sa rekomendasyon ng NY Department of Health.

Nagsagawa kasi ng imbestigasyon ang mga opisyal ng New York sa sold-out drive-in charity event na ginawa ng grupo noong Hulyo.

Mahigpit kasi ipinagbabawal sa lugar ang pagsasagawa ng concert.

Bagamat kahit na ipinagbawal at hindi naaprubahan ang permit ay itinuloy pa rin ng grupo ang nasabing concert.