-- Advertisements --

Pasok na sa Eastern Conference finals ang Boston Celtics matapos talunin ang Cleveland Cavaliers 113-98.

Ito na ang pangatlong sunod taon na nakapasok ang Celtics sa Easterm Conference finals ng makuha nila ang 4-1 na serye.

Nagtala ng 25 points,10 rebounds at siyam na assists si Jayson Tatum.

Nag-ambag din ng 22 points si Al Horford habang mayroong 18 points si Derrick White.

Nagtapos din ng 13 points si Jrue Holiday habang tig-11 points naman sina Jaylen Brown at Payton Pritchard.

Susunod na makakaharap ng Celtics ang sinumang manalo sa pagitan ng New York Knicks at Indiana Pacers.