-- Advertisements --

Nagtala nang come-from-behind win ang Boston Celtics para muling itumba sa ikalawang pagkakataon ang brooklyn nets, 114-107.

Mula sa 17 points na kalamangan ng Brooklyn, hinabol ito ng Boston para iposte ang 2-0 lead sa kanilang serye.

Nagbuhos ng 19 points si Jayson Tatum para sa Celtics habang si Jaylen Brown ay may 22 points.

Nabokya aman ang NBA superstar ng Brooklyn na si Kevin Durant na walang puntos na naipasok sa second half dahil sa matinding depensa na inilatag ng karibal na team.

Bagamat sa kabuuan ay nakalusot ang 27 puntos ni Durant.

Si Kyrie Irving ay binulabog muli ng walang humpay na kantiyaw mula sa mga fans ay meron lamang 4-of-13 o kabuuang 10 points.