Desidido ang Boston Celtics na tapusin na nila ang Eastern Conference Finals kontra Indiana Pacers.
Ito ay kahit na ang Game 4 ay gaganapin sa homecourt ng Indiana.
Ayon kay Boston head coach Joe Mazzulla na hindi na nila hahayaan na makakuha pa ng isang panalo ang Pacers.
Target kasi ng Celtics na ma-sweep 4-0 ang laro kung saan abot kamay na lamang nila ang pagpasok sa NBA Finals.
Hindi rin nito inalintana ang posibleng hindi paglalaro ng ilang star player nito gayan ni Jrue Holiday na mayroong trangkaso at Luke Kornet na kuwestiyonable sa Game 4 dahil sa left wrist sprain.
Sa panig naman ng Pacers hindi nawawalan ng pag-asa si head coach Rick Carlisle na mabaligtad ang serye.
Sinabi pa nito na bagamat malaking hamon ang makuha ang diretsong apat na panalo at makapasok sa finals ay bawat pagkakataon ay hindi nito binabalewala.
Hindi rin nagbabago ang pabibigay nito ng motibasyon sa kaniyang mga manlalaro para hindi sila mawalan ng pag-asa.