-- Advertisements --
Balik sa paggawa ng kanta ang singer na si Celine Dion.
Inanunsiyo nito sa kaniyang social media na nakatakdang ilabas ang bagong mga kanta.
Ito ang unang pagkakataon na gagawa ng bagong kanta ang 55-anyos na Canadian singer mula ng dumanas siya ng rare neurological disorder noong nakaraang taon.
Ang bagong album nito ay ang “Love Again” na siyang soundtrack din ng pelikula sa parehas na titulo.
Ipapalabas kasi sa Mayo 5 ang romantic comedy na pelikula.