-- Advertisements --

CEBU CITY POLICE OFFICE, NAKAFULL ALERT STATUS NGAYONG ARAW KASABAY NG SELEBRASYON NG VALENTINES DAY; PULISYA, MAY IPAPAKALAT NA MGA TAUHAN SA MGA MOTEL AT PARK

Naka-full alert status ang Cebu City Police Office simula pa kaninang madaling araw upang mapigilan ang mga masasamang aktibidad kasabay ng selebrasyon ngayong Valentine’s day, Pebrero 14.

May mga ipinapakalat na mga pulis sa mga pampublikong lugar gaya ng mga parks at motel kung saan inaasahan ang pagdagsa ng maraming bilang ng tao.

Maliban pa, magsasagawa din ang mga ito ngayong araw ng 24/7 checkpoints dito.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang pulisya sa mga security officers at mga manager ng hotel at motel nitong lungsod kahapon pa lang o isang araw bago ang Valentine’s day.

Inihayag ng isang opisyal ng pulisya na taun-taon nangyayari ang koordinasyon nila sa mga ito para mamonitor ang pagpasok ng mga menor de edad lalo na ang mga kasamang nasa hustong gulang na hindi nila kadugo.

Kaya naman isa ito sa kanilang binabantayan dito ay ang mga kriminal at mapagsamantalang indibidwal na magdadala ng mga menor de edad sa mga establisyimento.

Maliban sa mga motels at plaza, inaasahan din ng mga pulisya ang pagdagsa ng mga tao sa iba pang mga pampublikong lugar tulad ng mga simbahan at mga shopping mall kaya may mga tauhan silang itinalaga sa mga lugar na iyon.