-- Advertisements --

Nasa gitna na ngayon ng COVID-19 surge ang Cebu City kahit pa patuloy na “bumababa” ang reproduction number ng lungsod, ayon sa OCTA Research group.

Sa kanilang August 8 report, sinabi ng OCTA na ang seven-day average ng bagong COVID-19 cases sa lungsod ay umakyat sa 271.

Ito ay 22 percent na mas mataas kumpara sa nakalipas na linggo kung saan 223 kaso ang naitala.

Ang seven-day average ay mas mataas din sa peak ng surge noong Pebrero kung saan nakapagtala ang Cebu City ng 266 cases, ayon sa OCTA.

Sa kabila nito, sinabi ng independent research group na ang reproduction number sa lungsod ay nagpapakita na nang pagbaba.

Ang reproduction number ay indikasyon sa kung gaano ka infectious o nakakahawa ang isang sakit.

Sa kasalukuyan, ang reproduction number ng Cebu City au 1.51 mula sa 1.69 noong nakaraang linggo.

Ito naman ay mas mababa kumpara sa reproduction nuber noong July 22, ang peak ng reproduction number noong nakaranas ng surge ang lungsod.

Ang Cebu City ay kasalukuyang nasa ilalim ng modified enhanced community quarnatine hanggang sa Agosto 15.