-- Advertisements --
Pumayag na umano si Cebu City Mayor Michael Rama na ipagpaliban muna ang kanyang direktiba na hindi na mandatory ang paggamit ng face mask.
Ito ang nilinaw ni Interior Secretary Benjur Abalos matapos niyang kausapin ang alkalde.
Kung maalala sa report kahapon ng Bombo Radyo Cebu, ay pinirmahan ni Mayor Rama ang executive order na nag-aatas na ang pagsusuot ng face masks sa lungsod ng Cebu sa mga open spaces ay non-obligatory na.
Tiniyak naman ni Sec. Abalos kay Mayor Rama na agaran niyang ire-refer ang naturang kontrobersiyal na kautusan.
Una nang inamin ng DOH na hindi sila nakonsulta sa hakbang ng LGU ng lungsod ng Cebu.