-- Advertisements --
Nagpahayag ngayon ng pagnanais ang Pamahalaang lungsod ng Cebu na maghost ng Palarong Pambansa sa susunod na taon.
Ito ang naging pag-anunsyo ni Cebu City Mayor Michael Rama sa isinagawang presscon nitong Miyerkules, Pebrero 1, na dinaluhan nina City Councilor Dondon Hontiveros at Cebu City Sports Commission (CCSC) Management Committee Member Lester Razo.
Kaya naman, magkakaroon ng ng rehabilitasyon sa Cebu City Sports Center bilang paghahanda sa pangunahing sporting event.
Kung maaalala, huling nagho-host ang lungsod ng Palarong Pambansa noong 1994, o 29 taon na ang nakaraan.