-- Advertisements --

Nanindigan si US President Donald Trump na nananatili pa rin ang ceasefire sa pagitan nila ng Iran.

Ito ay kahit na nagkaroon na ng palitan ng putok sa dalawang panig sa Strait of Hormuz.

Inakusahan ng top military ng Iran na tinarget ng US ang kanilang Iranian oil tanker at ilang mga barko na papalapit sa Strait of Hormuz.

Bukod pa dito ay nagsagawa rin ang US ng “aerial attacks” sa ilang coastal areas sa lugar.

Depensa naman ng US na gumanti lamang sila matapos na atakihin ang kanilang Navy guided-missile destroyers sa Strait.

Ipinagmalaki rin ni Trump na maraming damyos ang kanilang nakamit sa pag-atake at tiniyak niya na nandoon pa rin ang ceasefire deal.