-- Advertisements --

Kinumpirma ng US Centers for Disease Control and Prevention na sasailalim sa 14-days quarantine ang direktor ng ahensya na si Robert Redfield.

Ito’y matapos makasalamuha ni Redfield ang isang opisyal sa White House na nagpositibo sa coronvirus disease.

Ayon sa tagapagsalita ng CDC, nagkaroon umano ng exposure noong May 6 si Redfield sa isang COVID-19 positive na nagtatrabaho sa White House.

Sinigurado naman nito na nasa maayos na kalagayan si Redfield at hindi nagpapakita ngh kahit anong sintomas ng sakit.

Ginawa ang naturang desisyon kasunod nang pag-anunsyo ng CDC na pinag-iisipan ni Dr. Stephen Hahn, commissioner ng CDC na mag self-quarantine matapos makasalamuha ang isa ring indibidwal na positibo sa nasabing virus.