-- Advertisements --
Namataan ang isang barko ng China Coast Guard na naglalayag malapit sa Manila Bay nitong umaga ng Huwebes ayon kay US maritime security expert at West Philippine Sea monitor Ray Powell.
Sa ibinahaging monitoring ni Powell sa tinatahak ng Chinese vessel, patuloy aniyang nagsagawa ng intrusive patrols ang China Coast Guard 3301 sa pamamagitan ng paglalayag sa labas ng Manila Bay.
Ayon kay Powell, may layong 95 nautical miles ang Chinese vessel mula sa bukana ng Manila bay.
Kinumpirma naman ng Philippine Coast Guard (PCG) na nananatili sa WPS ang naturang barko ng China simula pa noong Hulyo 22 at huling namataan malapit sa El Nido, Palawan.